<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YCollege! Grr.

COLLEGE NA TALAGA AKO.

Kumusta naman yung mga subjects, blockmates, instructors & all?

Sa subjects, siguro wala nang paraan para magustuhan ko yung Math. Nasanay na talaga akong tuwing naririnig ko yung subject na yon, na-pa-paranoid ako kahit na mabait yung titser. Kasalanan 'to ni _____.
Nag-eenjoy ako sa Philosophy, parang ang-saya-saya. Dun ko rin nalaman yung cliche na "Wag masyadong magseryoso sa pag-aaral, i-enjoy lang." Ayoko ng Chemistry. Nakakakita na naman ako ng mga formulas & all. Buti na lang, tama yung sagot ko kanina sa quiz. Pareho kami ng sagot ng katabi ko kaya feeling ko, tama. Excited na ko pala ako sa Psychology pero sa Friday pa yon. Ayoko ng PE tsaka NSTP. Parang nakakatamad, magbubunot ng mga damo? Ewan.

Sa English, may napulot akong magandang aral na pwedeng i-apply sa pang-araw-araw na buhay:
"Words are just symbols. They don't mean anything."

Pag daw sinabihan ka ng I Love You, yan ang isagot mo. Ü

Blockmates! Naaawa pa rin ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon, nahihiya pa rin akong kausapin sila kahit na alam kong mababait sila. Whew, ang haba non
. Dalawang araw pa lang naman kaming magkakasama eh. Pero in fairness, alam na nilang ako si Casoi since dalawa 'yung mga pangalang Casey sa block namin. Ang saya-saya, may kapangalan ako. Parang tinatawag ko lang sarili ko. Haha.

Meron pa pala. Ayoko si kuyang-mataray-na-ewan. Nakakatakot pag kakausapin ka. Parang kulang na lang, sabunutan ka. Ginamit ko ang term na "sabunutan" kasi you-know-why.

Baka sooner or later, hindi lang si Mary Joy at Pinky yung kausapin ko.

Instructors. Puro lalaki, tatlo lang yata yung babae. 'Yung instructor namin sa Philosophy, parang alam ña talaga kung san ako nakatira. Hindi lang pala ako, pati yung iba. Yung sa History, ala-Mariel yung buhok. Cute! 'Yung sa Filipino, ininterbyu pa ko tungkol sa bestfriend ko. Parang naiiyak-iyak na ko non. Charing. Masyado siyang interesado sa 'min, sa buhay ng mga estudyante ña. Ang sosyal.

Ang aga ng uwian kanina. 2:OO pa lang na dapat ay 3:OO, pinauwi na kami. Sayang tuloy yung P45.OO na pinangkain kaninang lunch. Di sana, umuwi na lang kami kaagad para walang gastos.

Wala na yata akong nakalimutang ilagay. Na-late pala ako kanina ng 15 minutes, pero parang wala lang sa prof. See, ang saya sa college.



Tuesday, June 19, 2007 @ 2:47 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!