YFinally!
Finally!
Makakapag-update na rin ako. Sa wakas, matatapos na yung week na puro assignments at research na lang ang inatupag ko. Nagiging madalas na rin pala yung pagkain ko sa mga fast food chains. Nagiging matakaw na ko. Tipid, tipid! Kelangan ko ng pera.
Sa sobrang dami ng nangyari, hindi ko alam kung san ko uumpisahan. Bahala na nga.
* Required yata kaming magkaroon ng blog dito sa internet sabi ng instructor namin sa Philosophy. Friendster Blog? Sana, pwede Blogspot. Gusto ko talaga ng subject na 'to. Hope for the Flowers by Trina Paulus, san ko ba mahahagilap yan? Naubusan ng stock ang NBS!
* Na-nominate akong secretary sa officers ng Block C. Hindi ako bumoto, ayokong manalo. Masyado nang maraming ginagawa, ngayon pa lang.
* Hindi ko pa rin nakukuha yung school uniform ko. Mukhang a-absent yata ako next week. Shet na yan, baka masayang lang yung mga nagawa kong assignments. Ok. Exag.
* Excited na ko sa Acquaintance Party. May isusuot na nga ako kahit matagal pa bago i-ano yon. Hindi ako super-excited.
Yan lang, tama na yan. Wala na kong maisip na ilagay.
Nafifeel ko na yung hirap sa College.
Korni.
Thursday, June 28, 2007
@ 2:40 PM