YGrr.
HATE KO NA TO.
Okay na sana 'tong araw na to e. Pero, sadyang may mga bagay na laging humahadlang sa kaligayahan ko. Go to hell. charing.
- Init. Sige lang, lumapit ka pa. Masasapak na kita.
- Isang katerbang assignments. Actually,tatlo lang talaga yon. Pero para sa ken, super dami na non. Pagkahaba-haba. Ang sakit-sakit na ng mata ko kakahanap nung Applications of Plasma to Medical Field tsaka yung 13 na Bahagi ng Pananalita sa Filipino. Dahil hindi ako matiyaga, 9 lang ipapasa ko.
- Jeepney drivers. Paulit-ulit na lang. Kelan ba sila magbabago? Masyadong nagiging gamahan sa mga pasahero. Hello, nakakaabala na sila sa mga nagmamadaling pasahero.
- Traffic! Kasama na yung mga traffic enforcers dahil sila naman talaga yung dahilan kung bakit may traffic.
- Nawawala yung hinahanap kong libro. Parang kahapon lang, nakahilera yung mga librong yon sa lalagyanan. Ngayong bibilhin ko na, wala ni isa. Asan na sila nagsipuntahan? May mga paa talaga yung libro.
- Alam ko namang mangyayari, hindi pa ko nag-prepare. Malay ko bang mangyayari talaga? E dinaan ko lang sa pakiramdaman.
- Yung uniform ko. Sa katapusan pa raw makukuha. Pero kelangan sa 25 dapat nakauniform na lahat dahil kung hindi, hindi ka tatanggapin sa klase. Ano, aabsent na lang ako.
Grr. Naiinis talaga ako.

Wednesday, June 20, 2007
@ 5:28 PM