tama bang sa panaginip ko, nanaginip din ako? halos maiyak-iyak ako habang kinukwento ko sa mommy ko yung kalokohang nangyari sa panaginip ko. actually, napaiyak na pala ako. parang tanga. tama ba naman kasing multuhin ako? sa kasamaang palad, lalaki pa siya. tama bang nasa harapan ko pa siya na halos hindi na ko makagalaw sa sobrang takot?
bwisit. bakit ba kasi ganun yung bahay na yon. nagdududa na talaga ako kung anong meron dun. matatapos na nga lang yung panaginip ko, mananakot pa siya by saying.."babalikan kita."
heh. di na ko matutulog. papatayin ba ko sa takot?