<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Yunang araw.

UNANG ARAW.

Alas-tres na ko ng umaga natulog kaya pahirapan pa bago ako bumangon kanina. Kung hindi pa talaga ako gigisingin, hindi pa ko tatayo. Salamat naman at naging effective yung pagwawalk-out ko kanina sa gate ng bahay namin para lang ihatid ako sa school ng ama ko. Ayoko kasing first day, late. Ayokong sumablay, baka pagalitan ulit ako.


Medyo matagal akong naghintay sa meeting place namin ni Mary Joy para sabay na kaming pumasok. 10 minutes yata akong naghintay at tamang-tama, walang kasama 'yung tindera don sa general merchandise na kinatatayuan ko kaya ako muna yung nagbantay baka sakaling may magtangkang magnakaw. May atraso pa nga ako kasi hindi ako nagpaalam nung umalis ako. Ayoko nang bumalik ulit don, suki pa naman ako ng pilot ballpen niya.


Medyo umuulan-ulan na nung dumating yung kaibigan ko kaya nag-tricycle pa kami. Sayang yung P10.00! Kung san-san pa kami inikot nung driver pero sandali lang din naman yung biyahe. Pagdating namin sa school, parang ayoko nang bumaba dun sa tricycle. Tingin ako ng tingin dun sa nakasabit na salamin, h
indi ko alam kung ayos na ba itsura ko o ano. Ang dami-daming tao, parang may foundation day. Nagkalat yung mga estudyante sa labas! Nakakainggit kasi yung iba, marami nang kakilala. E kami, mga baguhan pa lang. Nainggit din ako dun sa mga nurses na nakasuot na ng gala nila. Sana lang umabot ako sa ganon.


Sa loob, syempre hindi pa rin mawawala yung mga nagkalat na estudyante. Medyo naligaw pa kami dahil hindi namin alam kung saan yung room namin. Mabuti na lang nandon si Ellinor, pinakasikat na freshman sa school. Haha. Siya na rin nagturo kung saan yung room namin e sarado naman. Napakaunti ng nakita kong taga-Block C.



Orientation sa KHG o KGH Hall? Hindi ko alam kung anong tama dyan. Nahuli pa kaming pumasok dahil umistambay muna kami sa room namin. May mga nakaupo na sa hall bago kami pumasok kaya nakakahiya rin. Nakakatakot kasi yung papasok ka sa isang room tapos pagtitinginan ka nung mga kanina pang mga nakaupo na estudyante. Parang hello? Sino to?!


Tatlong oras yata kaming nakaupo dun sa monoblock na yun. Grabe, nakakagutom/uhaw. Inantok na rin ako nun kaya naglaro na lang ako ng games sa cellphone ko para mabuhayan ako. Tinuro yung vision, etc. ng school at k
ung ano-ano pang ka-ek-ekan na may kinalaman sa nursing at dun sa mga policy ng school.


Magduduty pala kami sa mental ward, kanina ko lang nalaman. Masaya raw dun sabi ng coordinator namin. Oo nga, tutal naman parang aalagaan ko lang sarili ko e. korni/charing. Naalala ko tuloy yung prison break.


Nakakatuwa yung speech ni Sir John, vice-president yata ng buong school o ng college of nursing lang. Ewan. Anggaling-galing niyang mag-english, talo pa
raw yung dati naming English teacher nung highschool na may pause pa habang nagsasalita. Idol ko siya, pati 'yung paraan ng pagsasalita niya. The best! At eto pa, sa kanya lang din namin nalaman na every 2 minutes, kung ano-anong fantasy yung tumatakbo sa isipan nung mga lalaki. Alam niyo na ibig kong sabihin. Totoo ba yun, nakakatawa kasi e.


Yun lang, basta ang dami-dami-daming sinabi. Pero, eto mas pinaka-natandaan ko, be confident. Ü


Yan, bukas na mag-iistart yung regular class. Tinatamad na kong pumaso
k. Magagastusan pa pala ako sa damit, isang buwan kaming naka-casual.


Wednesday, June 13, 2007 @ 2:51 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!