Hindi na ulit ako uuwi ng past 12 nang hindi ko kasama yung isa sa pamilya ko. Ang hirap pala ng feeling na stranded ka. Nasa galaan pa kahit mag-uumaga na, tapos nawalan ka pa ng load. Eto pa, hindi ko matanggap-tanggap na na-encounter namin. Isang sugar daddy na super-kapal ng mukha. Pagkamalan ba kaming mga pick-up girls? Bigla na lang hihinto sa harapan namin tapos papasakayin sa koche ña? ASA.
Gusto ko talagang pumasok ng Sibil kaso pinapauwi na talaga ako. Nag-taxi na lang kami pauwi sa sobrang takot, baka hindi lang sugar daddy yung ma-ecounter namin, rapist na.
Nakuha pa naming magpapicture kahit minalas-malas na kami.
Sa loob ng jeep, puro lasinggero pa nakasakay ko. Kung malas nga naman talaga, sunod-sunurin na. Dadalawang babae na nga lang kami, yung isa e nasa alanganin pa.
Despite of all those bad lucks & all, hindi naman ako pinagalitan pag-uwi ko. Ü