Pang-105 na post ko na. Ang dami na pala, wala namang mga kwenta. Napaka-echosera ko talaga. Walang matinong survey sa frienster kaya dito na lang ako magtatype nang magtatype.
Kagabi or kaninang madaling-araw pala, kumain kami sa Chowking. Ayun, naengganyo akong kumuha/bumili ng fortune cookies since P5.00 lang naman ang isa. Isa pa, hindi rin naman ako ang nagbayad kaya okei lang. Ü
Eto yung lumabas:
"Expect the unexpected and enjoy it. A little uncertainty is what makes life exciting."Lucky Fortune:07 12 20 37 38 39Oo, true nga yung sherbet na chinochorva nung nasa fortune cookie. May graded recitations sa English nang hindi man lang namin nalalaman, makikita pala namin ulit si Papa Jimbo nang hindi namin alam, isa pala ako sa magrerepresent nung mga AX ek-ek sa Chemistry nang hindi ko rin nalalaman, ma-iinsulto pala ako nung kaklase ko habang nag-eexperiment sa ChemLab nang hindi ko nalalaman. Napaiyak tuloy ako! Hindi ako prepared.
Lastly, nakita ko siya! Nakita ko siya. Ang haggard pa ng look ko. Shet.
Para sa Lucky Fortune, itataya ko na lang sa Lotto yan o kaya sa Jueteng. Ai.
Charing.