NSTP na naman. Dahil absent kami last week dahil nga may bagyo pero wala naman na nung mga panahon na yun, hindi namin alam kung sino yung bago naming instructor. Kakagulat na lang nung biglang pumasok yung magandang girlalu, siya na pala titser namin. Akala namin, naliligaw lang. XD
At dahil NSTP lang namin kaklase si
Abe, yung gwapong estudyante ng Block A, halos lahat ng babae sa Block C e naghihintay sa pagdating niya. Akala namin, di na siya papasok dahil super-late na siya nung dumating. Wala na, lahat kami nakatunganga na lang sa kanya habang nagdidiscuss si magandang girlalu. XD
Mukhang hindi pa ganap ang pagkakalalaki niya. Nakakainggit yung mga katabi niyang lalake, ang saya-saya nila. Habang kami, hanggang tingin lang sa kanya. Yung ibang katabi ko, sinuswerte. Nakikipagtitigan pa sa kanya samantalang ako,
cheber. Wala pang isang segundo yung tingin niya, titingin na ko sa ibang direksyon para di ako mahuli. XD
Ka-netch! Midterm Week na.
Tae, tae! Bahala na nga.