YHoho.
Ayoko na sa 'yo.
Sa wakas! Naiintindihan ko na rin yung Complex Fractions sa Math. Madali lang pala eh, charing! Hindi rin, ewan. Basta, gets ko na siya! Naloloka ako kay Sir. Wala na, nasira araw ko dahil sa kanya. Patapos naman na ko nun e. Pinapacheck ko lang kay Mary Joy kung tama mga sagot ko, e tama naman pala. Tapos, biglang nag-react. Hindi lang naman ako yung ganon kanina sa klase pero ang lakas niyang magpatama talaga! Buti nga, naiintindihan ko na mga tinuturo niya eh. CHE! Joke lang, Sir. Pero oo, galit na galit ako nung Math.
Lecheng Ulan.
Bwisit na ulan, dahil din sa 'yo e nasira yung araw ko! Nabasa yung sapatos ko, na-badtrip tuloy ako. Pinasok na ng tubig tapos ang chaka na ng feeling pag naglalakad ako. Hindi pa naman leather yun. Huhu. Halos mangiyak-ngiyak na ko kanina kaya pinakasakay na ko nung mga kasama ko pauwi. Hindi ko na talaga ma-take! Yan tuloy, napabayad pa ng pamasahe si Irene kahit na ang lapit-lapit-lapit na lang ng lalakarin niya, napasakay pa siya sa jeep na sinasakyan ko.
Bloggers.
Dahil wala akong magawa at medyo tinatamad pa kong gawin yung reflection papers sa Philosophy, nag-bloghopped muna ako. Wala lang, natutuwa ako dun sa mga napuntahan kong blog nung mga papables. Ganun na ganun sila magkwento kay Bob Ong. Oha, hindi ko naman sila ma-link.
Paksyet, di ko na maayos yung sa Links ko!
Ayoko na palang gawin yung reflection papers, sa susunod na lang.
Goodbye.
Wednesday, August 15, 2007
@ 3:29 PM