Midterm Cheberloo.
1st day.
Chemistry- Hindi ko na inaasahang maipapasa ko 'yung exam namin dito. Naghihinayang talaga ako dahil hindi ko nasaulo yung table na yun.
Sayang yung 20 points, 40 kung mali yung sagot ko dun sa dalawang column. Pati yung balancing of equations, nako talaga. 3rd year high school pa ko nun nung naiintindihan ko yon. So, bahala na. 76 ako nung Prelims. Baka 74 na lang sa Midterm. Che, ayokong umulit. Yari ako sa magulang ko.
Di bale, may multiple choice pala don. Sana, makabawi lang naman ako dun. XD
Psychology- Mas better kesa nung Prelims. Wala lang, ang irereklamo ko lang, hindi ko matandaan yung ibang terminolohiya. Buti na lang, may mga essay-type na tanong, gustong-gusto ko yun! Oo, siguro bagsak ko ulit 'tong test na to. Kung ano pa yung mga pinagtuunan ko ng pansin, hindi naman lumabas sa exam. Tae, tae talaga.
2nd day.
Philosophy- Wala akong irereklamo dito. For the first time.
(; Hindi ko lang matandaan yung tatlong philosophers chuva-ever na may kinalaman sa mundo yata.
Filipino- Lecheng exam. Nakakagulo ng isip, bwisit na enumeration. Iisa lang mga sagot ko. Hahaha. XD
3rd day.Bukas pa yung
English tsaka
Math. Wish me luck! Oo.