7th Birthday.Pero bago yun, sabihin ko muna score sa exam sa English.
41/75. Ang tanga, noh? Hindi na ako ang highest pero ayos lang. Hindi ko naman talaga alam mga isasagot ko dun eh. Puro definitions ek-ek. Hindi pa naman ako laging nakikinig sa mga pasimpleng discussion ni Sir English. Sa Finals na lang babawi. Che, lagi na lang ganon. Gasgas na yang sentence na yan.
Hindi pa binibigay yung score sa Chemistry. Wala akong balak alamin. Lalong-lalo na yung sa ChemLab na yan. Bagsak ako, oo!
Birthday na.All this time, akala ko bukas pa gaganapin yung party. Ngayong araw pala, ang tanga ulit noh? 4:00 ang start ng party pero dumating ako ng past 5. Sinadya kong magpa-late para hindi ako makaabot dun sa
7 Symbolic Gifts dahil ayokong magsalita sa harapan. Pero, walang nangyari. Hindi pa pala nag-iistart yung party. Wala pa naman akong speech na inihanda. Basta, kung ano na lang lumabas sa bibig ko, yun na. May
I love you sa dulo syempre.

Ang landi. Naiinggit ako, hindi ko man lang na-feel yan nung nag-7th birthday ako.

Si Rhylle at mga papalicious niya.

Yan tuloy, ayaw magpakuha. Nagulat si Mama Iya.

Ako at ang kerengkeng na celebrant. Ü

Si Chicken/Chick, hindi ko alam pangalan niya eh. Showdown sila sa saliw ng awiting "Kembot." Hahahaha.
Yan, medyo tinatamad na kong mag-upload. Nasa Multiply yung ibang pictures. Pero, add mo muna ako bago mo makita yon. XD Err, masama pala loob ko dun sa mga katabi ko sa table na super-selfish sa pagkain. Kung maka-ano, parang wala silang kasamang 16 year old na dalagita!
After ng party, nawala ako sa mall namin. Ang liit-liit na nga lang, mawawala pa ko. Inindyan ako nung pinsan ko, hayup. Hahaha. XD Buti na lang, marunong akong umuwi.
Shet, mag-eeleven na pala.