YLast day.
Last day.
Huling araw na ng Sportsfest at kanina lang din ako nakanood ng matino. Nanalo yung CAMS sa volleyball, kalaban yung CBA. Champion na raw kami. Joke. Saya-saya kahit hindi kami nakikisagaw kanina, puro GO A-M-S! C-B-A! Kaloka.
Pero, mas gusto ko pa yung Sportsfest nung Highschool. May banner-banner pang nalalaman. May mga personalized t-shirts na estudyante lang talaga yung nagpapagawa, puro awayan factor. May mga gumagawa ng sariling business sa pamamagitan ng pagbebenta ng mangga, singkamas, stick-o, etc.
Anyways, wala na naman akong ginawa kundi kumain. Pati pagkain nung kasama ko, kinain ko na rin. Buti na lang, hindi ko tinake-out. XD Nagpunta na naman kami ng duty free at may nagfifield-trip na naman. History repeats itself?
Nahanap ko na rin sa wakas yung Book of Answers sa National. Nakaplastic pa at dahil ayokong magkasala, pinabukas ko kay Dexter yung balot. Tae, P609.00. E kung bumili sa Internet, $7.99 lang yata. Wish ko lang, may credit card na ko. Napag-usapan na yan pero di ko ma-imagine na ako yung magbabayad ng mga ganung kalalaking halaga.
Ngayon? Ka-chat ko pinsan ko. At natawa ako nung nakita ko yung kapatid niyang naglalandi sa supa:

Friday, September 14, 2007
@ 4:59 PM