<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YSportsfest.

Sportsfest cheber.

Unang araw na ng Sportsfest namin. Ang galing nga eh, hindi na kami nakahabol sa parada. Sino ba naman kasing gaganahang magparada ng alas-dos ng hapon? Pagkainit-init! Ang ganda-ganda ng nood ko ng Wowowee biglang tinext ako ng kaklase ko, isang linggo daw yung katumbas ng attendance nung parade. Eh di bigla akong chumeber, nainis pa nga ako sa kapatid ko dahil ayaw akong paloadan. Bwisit na bwisit ako non.

Pagdating sa meeting place, isa ko na naman don. Late na naman yung mga kausap ko. Ang yabang ko. Hahaha. Muntikan na rin pala akong manakawan, feeling ko lang. Yan ang hirap kapag backpack yung suot mong bag eh. Di mo namamalayan, may nagtatangka nang magbukas non nang di mo namamalayan.

Anyways, ayos naman ang start ng Sportsfest sa Convention. Showdown nang showdown yung mga gerlalu nung mga colleges. Ang gwapo ni Prince! May Best in Sportswear pang nalalaman. May picture ako pero ang layo non so wag nang i-post.

Ang mga mascots. Haha. Luto! Dapat si Kuya Ron [err, ron] yung nanalo eh! Kamusta naman yung iba, parang nalugi sa mga contest! Ang lalamya. May ganon bang word? Basta, sa 'min lang yung super-hyper tapos di pa nanalo. Niluto daw? Mas angat ba yung costume kesa don sa ano, performance?

Ayun, yung mga Pep Squad, pang-UAAP daw. Gusto ko yung Cheerdance ng CBA ba yon, basta yung sa Business & Accountancy. Sila nga nag-champion eh. 1st runner-up lang ang college namin. Pero, ang saya! Kasali si crush namin sa sayaw. Husko, umpakalambot ng katawan. Sana mapaos ako paggising ko sa umaga, ang sarap sumigaw kanina eh.

Go AMS! Go AMS! Go A-B-E! Make us proud. Hahaha. Kilig.

Tinatamad akong mag-upload ng pictures. Basta, sa Multiply ko na lang isesave. Pag sinipag ako.

Pustahan tayo, first day lang ng Sportsfest yung masaya.
Monday, September 10, 2007 @ 9:49 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!