YTroy!
Troy!
Bago ang lahat, gusto kong mag-thank you sa nanay ko dahil binili niya yung bag na matagal ko nang tinitingnan dun sa tindahan na yon tuwing napapadaan ako doon. Sabi ko na eh, balang araw.. makukuha ko rin yung bag na yon. Hahaha.Tae kanina sa English! Na-blanko ako kanina dun sa oral exam. Buti na lang, pag nagkamali kang sumagot sa una tsaka sa pangalawa, may pangatlo pa. Ayun, nakachamba ako. Pero, mukhang tanga talaga. Hindi ko matanggap 'yung mga pinagsasabi ko don. Future Perfect Tense ng verb na eat, may sinabi pa yata akong eating. Halatang-halatang wala ako sa sarili ko.Hanggang ngayon, wala ako sa sarili ko. lol. May poging nag-iinternet dito sa shop namin. Kamukha ni Troy ng Princess Hours, napaka-exaggerated pero totoo. Palitan mo lang yung hairstyle at yung color ng buhok, siya na yon. At dahil nakalimutan niyang i-log-out yung Friendster Account niya, pinakeelamanan ko muna. Nikko ang name niya. November _, 1990 Tae, nakalimutan ko agad kung anong araw siya pinanganak. Parang ilang segundo lang ang nakakalipas matapos kong i-log-out yon. Mahilig din siya sa Harry Potter at kasali raw siya sa PBB Teen Edition. Patawa. At natawa ako dun, in fairness.
Tuesday, September 25, 2007
@ 5:50 PM