September na.Ayan, sinipag na kong maghanap ng bagong layout. Dati, puti ang background. Ngayon, black.
Oo, nakalimutan ko. September na pala. Start na ng -ber months. Malapit nang mag-December tapos January na tapos Birthday ko na. Gift ko ha?
;)Kanina, 8:46 AM na ko nagising. May pasok pa ko ng 8AM so late na late na talaga ako. Kung hindi pa ko tatawagan nung kaklase ko, hindi pa ko magigising. Mabuti na lang, nasa tabi ko lang ang cellphone ko. Hindi na talaga ako dapat papasok kung hindi lang ako pinilit pumasok. Ang sarap-sarap matulog eh.
Wala akong ginawa kundi kumain. Tae, naubos lang baon kakabili ng pagkain. Nagsipuntahan din sa bahay mga kaklase kong aning para pagpantasyahan yung kapatid ko.
Charing. Puro chismisan, kiliti-an, kuryente-kuryentehan. Walang matinong palabas, nanood na lang kami ng bala ng concert ni Britney.
Hanggang sa pag-uwi nila, kain pa rin ako nang kain. Gusto ko ng baked mac!