YFcuk this exam.
Nag-alarm ako ng 7am kanina para magreview ulit. So like, meron pa kong apat na oras para i-browse ulit yung binder ko at yung mga reviewers ko para sa exam. Nakalaan yung isang oras ko para sa panonood ng Señorita Mei-Mei kanina kaya 11 hanggang 12, nanonood lang ako ng TV.Kahit na balak kong pumasok nang maaga, na-late pa rin ako. Alas-dos ng hapon, papasok na ko sa mismong entrance ng school. May katangahan factor pa dahil hindi ko mahanap yung mga kasama kong mag-eexam. Dumiretso na ko sa KHG Hall dahil dun lang naman yung alam kong venue para sa mga kukuha ng remedial exam.At ayun, nakaupo na silang lahat sa loob. Hindi naman ako naging center of attraction dahil nasa timing naman yung pagpasok ko. Napakaraming estudyante! Yung mga hindi ko inaakalang CF sa Chemistry, nandon. Ako? Diretso sa likod sabay upo. Bigayan ng test paper. Nakaugalian na ni Ma'am Chemistry na sabihin ang linyang "The exam is relatively easy" so, ako e medyo confident na madali nga lang yung test. Pero nung nakita ko yung mga tanong, parang gusto ko nang lumayas at maniwalang hindi lahat ng titser ay nagsasabi ng totoo. Malas nga yata ako dahil yung mga pinagtuunan ko talaga ng pansin, hindi lumabas sa exam at yung mga dinedma ko lang, yun yung mga nandon sa test. 12 items lahat pero bawat item, maraming tanong. Nakakabanas. Lalo na yung iba kong kasabay na nag-test. Hindi ko lubos maisip kung bakit nakukuha pa nilang magdaldal kahit na ganon kahirap yung test. Siguro, wala lang talaga silang magawa.Pero ako, kahit anong gawin kong concentration. Kulang na lang takpan ko yung tenga ko sa sobrang kaingayan nila, hindi ko pa rin talaga masagutan yung ibang tanong.Oh well papel. Bahala na. Final na talaga to, magjo-Journalism na ko next year.
Friday, October 26, 2007
@ 8:55 PM