YFinals.
Finals.
Ang kapal ng mukha kong mag-update e ang dami-dami ko pang ginagawang projects/article review. Haha. Samantalahin ang oportunidad habang hindi nakatingin ang nanay ko sa desktop. Bawat tingin, walang ibang sasabihin kundi "gawin mo muna yang ginagawa mo bago ka magchat, etc."
Wala lang, hyper lang ako.
Last exam na bukas, Math na lang. Kuntento naman na ko sa mga naisagot ko sa exam nung mga nakaraang araw dahil nakapag-review naman ako nang maayos, hindi nagkacram, ayoko na non. Sana naman, maipasa ko yung exam sa Chemistry, pinagpuyatan kong magbasa don hanggang madaling-araw. Kasama rin ako sa mga limang taong pinakahuling nagsagot kanina sa exam don. Ayos lang yung History, puro hula lang ako don pero sa di-inaasahang pangyayari, yung ibang hula ko e tumama. Ayoko ng Philosophy, 15 items lang pero pamatay na mga tanong na hindi ko naman nabasa. Gusto ko ng Psychology, puro essay-type! Dun lang ako nakakabawi eh. Haha
Lintek na research sa Filipino, sana matapos ko na bukas! Pag hindi, uulit ako ng PIL101. Joke.
Gusto ko nang pumuntang Baguio! Sa Friday na. Wee(;
Sana sure na.
Tuesday, October 9, 2007
@ 9:30 PM