<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YAyoko talaga ng reporting

Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko pang mag-quiz ng pagkahaba-haba kesa tumayo sa harapan at mag-report sa klase.

Hindi ko na maalala kung kelan ako unang napasabak sa class reporting pero sigurado ako, hindi ko nagustuhan yon. Ako 'yung taong ayaw na ayaw nagsasalita sa harapan ng klase dahil feeling ko, tatawanan ako ng mga kaklase ko pag nagkamali ako. Ayoko nang nakakatanggap ako ng negative comments galing sa ibang tao dahil didibdibin ko talaga yun hanggang sa pagtulog ko. Kaya nga siguro, ganito ako. Ayoko ng nagsasalita ako sa harapan ng maraming tao.

Kahit na yung simpleng groupings lang sa room tapos isa-isang magsasalita. Mukha talaga akong gagu. Kapag hindi ko pa turn na magsalita, lalamigin na yung kamay ko, kakabahan na ko at lahat na ng pwedeng mangyari kapag kinakabahan yung isang tao.

Paranoid ako at proud ako don.

Tulad kanina, pa-easy-easy lang ako mga tatlong oras bago ako mag-reporting. Akala ko, magiging okei ang lahat. Pero, nung nasa harapan na ko, husko. Gusto ko nang maupo. Sinunod ko naman yung suggestion nung kaklase ko na maglagay ng P1 coin sa sapatos ko para di ako kabahan. Effective nga pero nakakalimutan ko yung mga sasabihin ko. Nakaka-mental block. Ayoko na sanang alalahanin yung mga ginawa kong kagaguhan kanina pero sa tingin ko, hindi ko makakalimutan yon.

Nakakahiya talaga. Lalo na dun sa crush ko. Sa dinami-dami ba naman ng mga kaklase ko, sa kanya pa ko napapatingin. Lalo tuloy akong kinakabahan. Leche talaga.

Wala na yata akong pag-asa na maging expert sa pagsasalita sa harapan ng maraming tao.

Monday, November 26, 2007 @ 7:30 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!