Ycoup d' etat
Dahil nababadtrip ako at inaantok na ko, mangingialam lang ako dun sa balita kanina tungkol sa coup d' etat sa Makati.
Pag-uwi ko sa bahay kaninang umaga, binuksan ko agad yung TV para manood nung Boy & Kris. Ang ganda-ganda nung nood ko biglang may News Break. Dahil pinutol nila yung palabas nila Boy para lang sa isang balita, feeling ko e importante yon. At hindi nga ako nagkakamali.
Nagwalk-out daw sa isang hearing sila Sen. Trillanes tsaka yung Gen. Lim na hindi ko naman kilala. Dahil hindi naman ako masyadong updated sa politika, hindi ko alam kung anong meron dun sa hearing na yon. Hula ko nga, related yon kay PGMA pero ewan ko lang dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ng pinag-walk-out-an nila.
Isa ako sa mga manonood na naging saksi ng paglalakad nung mga nasasangkot sa Ayala Avenue papuntang Peninsula Hotel. Nasira pa nga yata yung pintuan nung elevator dun sa hotel dahil super siksikan. Hindi ko alam kung anong drama nila nung mga panahong yon. Inaantok na talaga ako nung mga oras na yon kaya hindi ko na naantabayanan kung anong sumunod na nangyari. Ang naalala ko lang, nang-interview si Ces Drilon ng isang foreigner tapos super chokaran na sila. As in.
Ilang oras ang nakalipas, binuksan ko ulit ang TV. Yun ulit ang nasa balita. Akala ko, tapos na pero, hindi pa pala. Ang masama pa don, parang mas naging komplikado yung sitwasyon nung mga nasasangkot dun sa hotel. Kamusta naman, diba? Pinahuli pa yung mga mamamahayag na wala namang kasalanan. Para saan? Ginagawa lang naman nila yung trabaho nilang ihatid sa taong-bayan yung mga nangyayari dun sa loob ng hotel tapos ganon? Napaka-unfair. Ayoko na kay PGMA.
Tapos ngayon, may curfew pa? Oh God, anong balak ni PGMA? Martial Law effect na naman? Ang yabang kong magsalita. Hindi ko naman naranasan yung Martial Law ni Marcos dati. Pero, ganon na rin yon. Kapag pinapakinggan mo pa lang yung word na yon, nakakatakot na. Pano pa kaya kung ipatupad pa yon?
Nakakainis talaga yung mga nangyayari ngayon. Sana magkaroon ng People Power ulit tapos si Chiz Escudero yung pipilit na presidente. O di kaya, si Loren Legarda. Wag na si Noli, isa siya sa administrasyong Arroyo. Baka ulitin niya lang yung mga drama ni PGMA.
P.S: Gusto ko ng bagong layout.
Thursday, November 29, 2007
@ 10:28 PM