Yhindi ako ganito
Twenty-one lang kami kanina sa room pero hindi pa rin kami pinalagpas sa quiz tsaka discussion. Hindi ko talaga makalimutan yung sa Logic.
Magbigay ng swimming animals: Butete. Hahaha. Ang babaw pero tawa ako nang tawa habang nagsusulat dun sa paglalagyan ng sagot. Parang pang-kinder yung tanong. Hindi ko alam kung anong meron sa word na butete pero natatawa na lang ako bigla kapag naririnig yon.At kamusta naman ang Anatomy? Muntikan na kong makatulog habang yung iba, nakikinig sa structure ng animal tsaka ng plant cell. Yung mata ko, kusang chumecheber. Buti na lang, nagpatawa si Sir/Doc habang nagdidiscuss, dapat daw yung mga napapanaginipan namin, kung ano yung itsura nung cell. Hindi kung anu-ano. Yeah, right.Ang hirap talagang maging estudyante. Paulit-ulit ako. Lalo na kung hindi mo alam kung magshishift ka next semester o kung ipagpapatuloy mo pa. Pero, kung gaano naman ako ka-seryoso sa matter na yon, ganon naman kapabaya yung iba. Natutulog sa klase na super obvious, pumapasok sa klase nang parang wala lang, kopya roon, kopya rito..Hindi ko ma-imagine kung anong magiging reaksyon ng magulang nila kapag nalaman nilang ganon yung mga anak nila sa classroom. Tapos, magrereklamo dahil may naibagsak na subject pag kuhanan na ng clearance.Ang saya, diba?
Thursday, November 22, 2007
@ 6:06 PM