YOwgad
Sayang.
Para akong nalugi sa contest kaninang uwian. Pinipilit kong huwag masyadong magpaapekto pero apektadong-apektado talaga ako. Well, medyo. May nililigawan na raw yung crush ko. Huhu. Tama pala yung mga chismis, muntanga. Ang saya-saya nilang naglalakad kaninang pauwi. Tapos, ako.. nasa likod lang nila. Kasama nung mga lokaret kong kaklase dati. Buti na lang, di ako ngumawa. Haha. Bakit ako ngangawa? Sayang lang ang tears ko. Hindi naman niya dinedeserve yung mga luha ko, so para saan pa?
Pero, joke lang yan. Kahit anong mangyari, siya pa rin ang inspirasyon ko. Kahit sa classroom lang, huwag na sa labas. Kelangan ko ng inspirasyon, ang init-init sa classroom, nakakaantok. Kelangan ko ng magpapagising sa ken, lahat na. Tulad kanina, dahil sa pagtabi niya kanina sa upuan, nagising ako kahit sobrang nakakaantok yung oras. Owgad, buti na lang hindi ako agad na-inlove kundi.. ang hirap makamove-on.
Nakakahalata na ko. Parang lagi akong minamalas. Lahat na lang ng gusto ko, hindi pwede. I hate boys na.
Pero, joke lang yon syempre. :)
Wednesday, November 21, 2007
@ 6:14 PM