YReunion?
Dahil wala kaming klase sa Anatomy kanina, tumambay na lang kami sa Leo's Park ng dalawang oras yata kakahintay kay Mary Joy. Syempre, diretso gala kahit nasa tipid mode. Sayang ang opportunity, magkakasama ang Block C kanina. Don't want to miss the fun!First stop, Royal Duty Free. Ang weird kasi sa tuwing pupunta kami don, laging may field trip. Laging puno ng mga estudyang naka-PE uniform at wala akong nakitang gwapo. Nag-crave ako masyado sa chocolates pero ni isang bar, wala akong nabili. Nakakapanghinayang kasi kung bibili ako, natural na yun sa isang kuripot. Si Casey Renee lang yung todo-shopping kanina. Isang balot ng butterfinger tsaka tamarind nuts. Ganon daw pag depressed? Gayahin ko nga minsan. Ahaha. Di ko naman pinalagpas yung pagkakataong makabili ng Shawarma na super-duper anghang na halos maluha ako. Sinisipon na nga ako, lalo pa kong sinipon kakakain non. Ganunpaman, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa Shawarma. Ay.Next at yung last na rin, Night Market. Para sa mga hindi nakakaalam, yun yung binalita dati sa TV na may mga nagrarally sa Olongapo. Hahaha. Hayun, naadik sila sa peryahan. Natalo ako ng P5.00! Para na kong pinatay non. Nakakainis. Sumakay din kami sa rides. Parang tanga lang. Tawa na naman ako nang tawa nang tawa nang tawa kahit seryoso yung katabi ko, mukhang kabado kanina.Nanlibre si Lauren ng pamasahe kanina. Yihee.
Friday, November 16, 2007
@ 10:17 PM