YBakasyon na naman
Mukha na talaga akong Baguio.
Nung Sabado, bumiyahe kami ng mommy ko papuntang Baguio. Bale, pangatlong beses ko nang bibisita dun. Nakakahilo, halos pitong oras ka ba namang nakaupo sa bus. Pagdating sa Kennon Road, wala na kong makita. Puro hamog, hamog at hamog. Napapaisip ako kung ganun ba itsura ng langit? Wala kang makikita kundi puro kulay puti.
Pagdating sa Baguio, maliwanag yung sikat ng araw. It was a sunny day! Pero, syempre hindi pa rin mawawala yung lamig. Gustong-gusto ko yung lugar na yun dahil dun ko halos nagagamit lahat ng sweater at jacket ko. Buti na lang, hindi ulit dumugo yung ilong ko. Di tulad nung huli kong punta, nagkalat pa ko dun sa hinihigaan kong kama.
Anyways, midnight sale sa SM kaya syempre, diretso agad don. Naghihinayang ako dahil hindi ko binili yung bag na may nakalagay na I'm not a plastic bag e kasi naman, wala non dito sa Olongapo. Bumili na rin ako ng panregalo pero nagkuripot pa rin ako sa pamimili.
Nag-grocery na rin pala para sa Noche Buena. Mahal ko na yung SM Supermarket. Ang sarap mamili. First time kong mag-grocery don pero syempre, may limit pa rin. Puro pagkain, pagkain tsaka pagkain yung binili namin. Malamang, neh?
Tapos, tapos.. meron palang tindahan don ng Papemelroti. Nakakainis! Kahapon ko lang nadiskubre na may ganong tindahan sa Baguio. Ayun, dun ko ginastos lahat ng natitira kong pera. Gusto kong bumalik don. Gustong-gusto ko!
Next time ulit.
Monday, December 17, 2007
@ 8:17 PM