<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YBelated

Ilang araw akong hindi nakapag-online. Ilang araw din akong nangulila kakaisip sa blog ko. At dahil hindi ako nakapag-internet nung mga nakaraang araw, mahaba-habang entry to:


NSTP. Tulad nung pinangako namin dun sa mga tao sa Missionaries of Charity, babalik kami para bisitahin sila nung December 22. Namigay kami ng mga lumang damit tsaka pagkain. Nabigyan ko rin ng gift si Lola pero sa kasamaang palad, hindi niya ko maalala. Pero, nag-thank-you naman siya at sapat na rin sa ken yun. Si Baby Justin, hindi na masungit. Si Baby Ray, may bagong taga-karga. Inggit ako.


Girls' Night-Out. December 22 rin 'tong party na to, ang venue sa Sam's Pizza. Ang tatanda na talaga namin. Hindi ko madescribe yung feeling na nakikita ko yung mga kaibigan ko na kahit hindi na ganong nagkikita, close na close pa rin. Ang saya-saya ng pakiramdam ng ganon. Ayos ah, ang korni. Tama na nga. Anyways, may exchange gift na naganap. Yung mga nakuha ko: libro, coin purse na pwede nang wallet, earrings, wristlet, box na lalagyanan ng kung ano-ano at ang pinakafavorite ko, yung journal.

Inuman Session. Pero this time, hindi na sa Boardwalk.Sa isang bar na parang resto naman. Hindi ko na babanggitin kung naka-ilan ako. At kasama ko rin yung mga pinsan kong gimikera/gimikera kaya wala 'tong curfew. Wala na kong iba pang matandaan. Basta ang alam ko, pa-islant na ko maglakad. Namumula na RAW yung mata, nakatulog sa Mcdo at may nagsisimbang-madaling araw na nung umuwi kami.


Christmas Eve. Dahil sa bahay lang ako tumambay buong araw ng December 24, feeling ko e pabigat na naman ako dahil wala akong ginawa kundi kumain/manood ng TV/matulog. Hindi na rin matiis ng konsensya ko na nakikita yong magulang kong masyadong busy sa pagluluto ng Noche Buena kaya kahit inosente ako sa mga gawain sa kusina, tumulong na rin ako. Taga-abot ng kung ano-ano, taga-tapon ng kalat, taga-hugas ng pinggan, taga-hiwa ng gulay. Yun yung trabaho ko sa kusina. Pagkatapos non, diretso bihis sabay punta sa simbahan. Tinatamaan na talaga ako ng antok non kaya nakapikit lang ako buong homily nung pari. Pag-uwi sa bahay, knock-out pa rin.

Party ulit! Kagabi lang to, gimik na naman sa Sibil. Ito rin yung ginawa namin last, last year. Ang weird dahil nandun na naman si Rico Barrera ng PBB. Tuwing Pasko ba laging nandun yon? Wala na kong pake. Basta, ang alam ko, nag-enjoy ako. Wala pang pictures, di pa nauupload. Parang reunion yung nangyaring night-out kagabi dahil nagkalat yung mga dating schoolmates nung highschool. Thank God, nakontrol ko yung mga limitasyon ko. If you know what I'm talking about. Fun, fun, fun! Dahil sobrang enjoy, 6AM na nakami nakauwi. At may gana pa talaga akong gisingin ng 8AM dahil may mga bisita sa bahay, ah sige.

Belated Merry Christmas! Sa New Year na lang ulit ako babati. Happy Anniversary din pala! Oo, ikaw. One year na! Hindi ako nakabati through text, wala akong load.
Wednesday, December 26, 2007 @ 9:15 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!