<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YFirst Warning

Dahil nag-promise ako sa mga kasama ko kanina sa Boardwalk na ipopost ko sa blog ko yung karumal-dumal na pangyayaring shumeber sa min kanina kay Manong Pulis, sisimulan ko na.

Huling pasok na namin ngayong araw na 'to kaya isa lang ang ibig sabihin non, Christmas Break na! Para sa ken at sa mga ka-doods ko. Ewan ko lang sa iba na sinisipag pa ring pumasok. Dahil sobrang saya namin, nagplano kaming maggala/mag-happy-happy kanina sa Boardwalk. As in, planado na lahat. May mga chichirya na c/o ng Ministop pero hindi kami binentahan ng San Mig Light nung una dahil mga minors pa raw kami. Dahil napapagod na kaming maghanap ng inumin, dumiretso na kami sa tatambayan namin at dun nga yun sa Boardwalk.

As usual, nasa gitna na naman kami ng seashore. Kulang na lang maglagay ng bonfire, naglaro pa nga kami nung iniikot yung bote tapos magtatanong ng mga korning tanong. Panay yung tingin ko sa relo ko dahil baka yariin na naman ako ng nanay ko pag-uwi ko, nag-eenjoy pa naman ako. Perfect na sana kung hindi lang eeksana yung pulis na yon na nag-iikot sa Boardwalk. Nilapitan niya kami sabay inilawan kami nung mahiwaga niyang flashlight. Sabay, nakita niya yung bote ng San Mig Light. Wow, yari kami nito. Pero, non-alcoholic drink naman yung ininom ng karamihan, yung Infinit. Kinuha niya yung mga IDs namin sabay sabing kakasuhan na raw kami, ganyan-ganyan. Kukuhanan daw kami ng picture kasama nung mga bote na nakakalat tapos susunduin na raw kami sa DSWD nung mga magulang namin tapos yung mga kasama ko, super takot. Ako, super takot na takot. Dahil naririnig ko sa nanay ko tuwing nagkukwento siya tungkol sa mga mapang-abusong pulis, naisip ko na hindi makatarungan yon na hulihin kami basta-basta kaya sabi ko na lang.. "Hindi naman kami nagkakalahat ha? Makatarungan ba yon?" with a very galit voice.

Akala ko, madadaan yun sa pera dahil ganon naman yung ibang mga pulis. Pero, hindi. Mabait daw siyang pulis pero, kung tinatarayan siya, tinutuluyan niya raw yon. Ako? Natamaan ako syempre. Nakaka-guilty. Parang ako pang may kasalanan pag nahuli kami kaya nag-sorry ako kahit labag sa kalooban ko.

Nung pag-alis niya, sinabi ko na lang.. "Noypi ba to? Wow! Mali?"


Friday, December 14, 2007 @ 10:13 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!