YHate ko ang Tuesday.
Paminsan-minsan, kelangan ko ring magsungit, mabadtrip at maging iritable.
01. Hindi ba nakakainis kapag yung topic na nireview mo't pinagtuunan mo talaga ng pansin, yun pa yung hindi lalabas sa exam tapos kung ano pa yung hindi mo masyadong binasa, yun pa yung papasagutan ng titser?
02. Hindi ba nakakainis kapag excited na excited kang mag-shopping kasama nung mother superior mo tapos pagdating mo sa mall, ang papangit nung mga damit? No offense. Pero, totoo naman. Sayang lang yung lakad.
03. Hindi ba nakakainis kapag may nakasalubong kang kakilala tapos alam mong nakita ka niya pero hindi pa namamansin. Yun bang nagpepretend na kunwari hindi ka nakita tapos biglang tatalikod. KAASAR.
04. Hindi ba nakakainis kapag nasa harapan ka ng jeep nakaupo tapos yung driver, dikit nang dikit sa 'yo. Kamanyakan na naman.
05. Hindi ba nakakainis kapag nakakita ka na ng perfect na bag tapos sale pa na halos bantayan mo na para lang walang makakuha pero may kumuha't inagawan ka pa rin?
06. Hindi ba nakakainis kapag wala ka nang maisip na ilagay na pang-# 6 na reklamo. Nakakabitin tuloy.
Tuesday, December 11, 2007
@ 7:13 PM