YTeka lang, 2OO8!
Nung 2OO7..
=Naganap ang first kiss ko. Walang spark, walang kilig moment. Just felt really happy.
=Na-inlove sa isang hilaw na gangster.
=Grumaduate bilang isang highschool student at nag-hello! sa college life.
=Nabuksan ang isipan kung gaano kahirap maging isang kolehiyala dahil sa stress at pressure.
=Nabuksan ang isipan kung gaano kadali maging isang kolehiyala dahil sa mga class schedule.
=Na-inlove sa isang kaibigan pero hanggang dun na lang yun, PERIOD.
=Na-inlove ulit pero as usual, broken-hearted na naman ang lola.
=Nahiwalay sa ibang highschool friends kaya ito yung time na nag-adjust talaga kaming lahat.
=First time umuwi ng ala-sais ng umaga dahil sa kakaparty!
=First time nalasing nang bonggang-bongga.
=Tamad pa rin ako.
=Natutong maghiwa ng gulay. Pero, hindi pa rin ako marunong magtimpla ng kape.
Ngayong 2OO8..
=Ayoko nang maging tamad. Mahirap pero, kakayanin.
=Mag-aaral na nang mabuti. Lalo na sa lecheng Biochemistry.
=Mag-aaral kung paano magprito ng mga napaka-common na pagkaing madalas na pinprito.
=Ayoko na ulit maging tamad.
=Iwasan ang pagiging burara.
=Iwasan ang pagiging makakalimutin.
=Karirin ulit ang pagpipinta't pagdodrawing.
=Iwasan ang pagiging maldita minsan.
=Save! Save! Save!
=Kumain nang kumain nang kumain.
=Hindi na ulit ako ma-iinlove sa isang hilaw na gangster!
=Hopefully, di na ulit iiyak dahil sa pagiging isang broken-hearted.
=Will remain single until the end of the year! SANA.
Kung hindi lang din naman ikaw, huwag na lang. =/
Happy New Year! Sa January O1.
Friday, December 28, 2007
@ 8:41 PM