<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YSerious Talk

Kagabi pa 'to eh. Nung nagsimula kaming mag-usap ng kapatid ko ng seryosohan tungkol sa mga buhay-buhay namin. Usually kasi, hindi kami ganun mag-usap, puro kalokohan. Diba, kuya? Baka binabasa mo 'to ngayon pero wala akong pake. Haha. Gusto ko lang naman i-share.

Dahil hindi ko ma-open sa iba yung iniisip ko kagabi pagkatapos mismo nung celebration ng birthday ko, si kuya yung napag-initan kong sabihan ng problema ko. Akala ko parang babalewalain niya lang, yun pala parang interesado pa siya dun sa sinasabi ko. Ano yung problema ko? Tungkol sa love na naman. Ang weird. WEIRD talaga. Sa lahat ng pwede kong pagtanungan, yun bang magtitiyagang makinig sa mga kakornihan ko, kapatid ko pa. Kapatid ko na walang tiyagang makinig sa mga ganitong factor.

At kaninang tanghali na naman, habang kumakain kami sa kusina. Nabanggit ko lang na hindi ako makakain nang maayos, biglang inopen yung topic tungkol dun sa problema ko. Bigla niyang pabulong na sinabing "It's love. " -- Hahaha. Mungewan 'to.

Ang korni talaga. Tapos nagsimula na siyang magtanong dun sa lalaking binabanggit ko. Kung sino yung mga kaibigan, ano yung mga pinagkakaabalahan. Yung mga ganitong basic na tanong na parang magulang mo yung kausap mo. Ako naman, sagot lang nang sagot. All in all, HE gets his 50% vote. Hindi niya pa raw kasi ganong kilala kaya 50% lang.

--Hahaha. Ganito ba talaga yung mga magkakapatid kapag tumatanda na?

Saturday, January 12, 2008 @ 8:19 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!