Nafifeel ko na yung
stress na tinatawag nila.
Thank God, tapos ko nang gawin yung project ko sa Filipino. Nakakapagod mangapa sa Publisher. Nakakatamad gumawa ng sarili mong dyaryo. Oh well, papel. Medyo tapos ko naman na. Mga
comments at suhestiyon na lang ang kailangan. At alam kong magiging mahirap yon dahil kailangan mong magtype nang magtype kahit wala nang
sense yung mga pinagsasabi mo.
Kailangan ko pang asikusahin yung limang project/assignment ko para sa iba pang
subjects ko so, medyo iiwanan ko muna yung
blog ko. Iiwanan talaga? Hindi muna ako makakapagkwento, sa susunod na lang kapag wala na si
stress.
Grabe. Sana lang, matapos ko lahat yon. At sana lang, hindi magkaroon ng
virus 'tong computer na 'to. Sana rin bigyan ako ng mataas na grade ng mga titser ko. At sana rin lang, hindi sumabog yung utak ko kakaisip sa kung anong uunahin kong gawin at kung paano ko gagawin yon.
Grabe talaga.Para sa mga estudyanteng katulad ko na ganito, sobrang
haggard na dahil sa mga
project na yan, kaya mo yan. Sayang yung grade. =p
Okei. Pwede na yan. Pagod na pagod na talaga ako.
Bye for now.
P.S:
Tag lang ng tag. I'll find time para mag-
hi sa mga dumadaan sa blog ko at tsaka para dun sa mga nagpapalink-exchange. c:
God bless!