<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YIsa na lang.

Thank God, nakaraos din. Tapos na yung Midterm Week! Pero, may isa pang exam sa BioChemLab pero wala lang yon. Ang importante, tapos na yung exam sa Biochemistry!

Ito yung mga kwento habang nagrereview/nagsasagot na ko sa mga araw na yon:

Biochemistry = Magandang pambungad para sa week na 'to dahil Monday 'to pinaexam. Wow, galeng. Kinarir ko talaga yung pagrereview dito dahil gusto ko nang makapasa kahit ngayong Midterm lang, kahit na last semester ko pa siya titser. Ayos lang yung mga tanong sa Multiple Choice dahil nareview ko naman yon. Gumana lang yung panghuhula ko sa True or False. Nakalimutan ko lang yung ibang stuctures nung mga lipids lalo na yung sa Cholesterol. Asar.

Filipino = 17 pages na handout yung rereviewhin dito kaya weekend pa lang, tinutukan ko na rin 'to. May mga term akong nakalimutan lalo na yung mga panulat sagisag nung mga Filipino writers dati. Pero, buti na lang nasaulo ko yung mga pangalan nung mga kapatid ni Rizal. May code eh. (SPANOLMCJSTS) Bahala nang manghula dun sa mismong pangalan nila.

Sociology = Apat na handouts yata yong pinaphotocopy namin pero ni isang tanong mula don, walang lumabas. Galing no? Essay-type yung mga tanong sa exam. Tig-limang Strong/Week Points ng Filipino Culture. Sana bigyan ako ng consideration, kahit 1 point lang.

Logic = No comment. Anggulo ng test paper ko, puro bura yata.

Anatomy = Isang oras mahigit lang ako nakapagreview dito kaya rush talaga. Kung ano lang maalala ko sa Integumentary/Skeletal System, yun na. 14 pages na exam yon. Sana lang mapasa ko. Mabait naman si Doc eh. c:

English = Ayos lang. Nasagutan ko lahat nung sa Identification pero may isa akong bura don. Sayang 2 points! Sayang yung bonus questions. Hindi ko alam kung tama sagot ko.

Tawag ba sa blank page na makikita sa libro, Leaflet?
Yung best-selling book ba sa buong mundo, Da Vinci Code?

Hula lang 'yang mga yan. Di ako sure. 7 pts din yan.

All in all, ayos lang yung exam ngayong Midterm. Hindi ko lang alam kung effective nga ba yung dalawang capsule na ininom ko, yung MemoPlus Gold? c:

Yun lang. Bow.
Wednesday, February 6, 2008 @ 12:21 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!