Ayan, walang sinabi yung parada ng __ diyan na puro naman matatanda/vendors ang bida. Mahal na mahal ko na yung Panagbenga Festival! (Click mo yung bawat picture para ma-enlarge)
Kinabukasan, may parada ulit. Pero this time, float parade naman ang drama. Late na kami nakarating kaya nung dumating kami sa Session, ang dami nang tao. Ang hirap nang makisiksik. Umaambon pa nung mga oras na yon kaya doblehin mo yung lamig sa Baguio. At ang pinakamasama pa 'ron, ang daming umeeksenang payong. Ang hirap manood! Mega-siksik talaga ako para lang makakuha ng pictures kaya ang papangit tuloy nung mga kinalabasan. Buti na lang, medyo nakisama yung ambon sa bandang huli kaya medyo madali na lang manguha ng pikytur.