<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YDisaster!

Hindi ko aakalaing mamomroblema ako sa sayaw namin sa PE, nang biglang nagback-out yung dapat kong partner na si John. Grabe, ang kunat! XD

Umaga, okei na sana lahat eh. Lagi kong pinapasabi sa mga kaklase niya na mamayang hapon na yung performance namin sa PE. Okei lang sila ng okei. Pero, nung time na pauwi na ako, may isang napakalungkot na balitang dumating sa 'ken.

"Ayaw na ni John."

Ayun, supeeer kaloookkaaa. Hindi na ko nakaalis agad ng school kakahintay ng dismissal nila para makausap ko siya. 11:30 nang magsimula akong makiusap na pumayag na siyang partner ko at 11:50 ako natapos kakadaldal na halos mangiyak-ngiyak na ko dahil Finals ko yon. Kulang na lang eh lumuhod ako para lang mapa-oo ko. Pero, ang kunat! Ngayon lang ako naka-encounter ng ganon, yung tinanggihan ako. Haha. Joke.

Ang dami ko nang sinabing words para mapa-oo lang siya. Bago ako umuwi, sinabi ko na lang na sasapakin ko siya kapag humindi pa siya. Umuwi ako nang nag-aalala. Iniisip ko na baka hindi ako makapag-finals sa PE.

Sa bahay, super-impake ako ng damit. Sa wakas, nasuot ko rin yung binili kong polka-dots na damit na color pink na mega-sale sa Forever 21 noon. Ayokong mag-heels kaya yung white flats ko na lang yung binitbit ko. Sumasakit 'yung paa ko kapag nakaheels, hindi ako kumportable. At eto pa, todo make-up ako kanina. Perstaym kong mineykapan sarili ko. Ayun, ang dami kong nasayang na cotton tsaka tissue kakapunas sa mukha ko. Hahaha.

Pagdating sa school, hindi pa nag-iistart yung sayawan. Super-alala na ko dahil kay John. Hindi na ko matahimik kaya panibagong lalaki na naman yung pinakausapan ko, si Marvic. Yung kaklase kong super-galing sumayaw at ang kapal ko dahil siya pa 'yung niyaya ko. Hindi magkalevel pagdating sa Ballroom. Bakit kasi Ballroom? Taeeeee.

Ilang minutong praktis, kuha agad ang steps. Pero, pagdating na sa harapan ng titser ko, yung gregrade-an na. NAKALIMUTAN KO YUNG IBANG STEPS. Ito yun eh! Puro Adlib ginagawa ko. Hahaha. Tae talaga. Jive yaaaan

Oh well, simula ngayon, hindi ko na kakausapin si John.

Pero syempre, joke lang yun.
Monday, March 10, 2008 @ 10:47 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!