YNapakahabang araw.
7AM ang oras ng NSTP pero isang oras kaming late ni Mary Joy, ang aking partner-in-crime. Haha. Last na NSTP na yata yon kaya mega-laro kanina kasama nung mga bata dun sa naka-assign na lugar sa 'min. Mga bata talaga, pag sinabing maghubad, maghuhubad. Para lang manalo sa Longest Line, para lang sa candy.
Habang naglalaro yung mga bata kanina, napagdiskitahan namin yung skateboard nung bata kanina. Hindi na ko nagtangkang subukang magskateboard dahil ayoko nang pumlakda ulit. Pero, gusto kong matuto! Gusto kong pumunta sa Skatepark tapos magpaturo sa bihasa. Sa mga Skater Boys.♥
Balik ulit sa kwento. After ng NSTP, bumalik kami sa school para magpalipas ng oras. At nandun si Banana, kagulat yon. Wala lang. Nakakaasar. Kung kelan ako humarap sa direksyon nila, dun siya nawala. Malas, malas! Makikita ko pa naman siya, okei lang yon. Tapos, kumain kami ng lunch, nangutang pa ko ng P50.00 pangkain. Ganyan talaga pag nagigipit, nangungutang.
After kumain, pumunta sa bahay ng kaklase para magpalipas ulit ng oras. At dahil may imimeet pa kong magtuturo sa ken para dun sa project ko sa html codes, nauna na kami. Grabe, napraning ako dun sa image. Ayaw lumabas-labas, nahihiya pa yata. Thanks to Kuya Neil, nagtiyaga sa kakulitan tsaka sa katangahan ko.
After magpaturo, bumalik na naman sa school. Anong meron sa school? Tinulungan na lang namin yung dati naming kaklase sa research niya since tapos naman na ako. Yabang. Nagpresenta na lang akong magtype ng research dahil bagot na bagot na ako nung mga oras na yon. After magtype, uwian na. Mga pasado alas kwatro na rin yon.
Salamat at makakauwi na rin.
Pero, di pa nagtatapos ang lahat. Pumunta pa si Dexter dito sa shop namin para bumisita. Bigla-bigla na lang sumusulpot ang hayop. Chokaran to the max pero iniwan niya rin ako bandang huli. Haha. Nanumbat.
Naguguluhan na naman ako. Don't dare to ask why dahil hindi ko rin naman sasabihin kung bakit.
Ginawa pa kong leader nung mga kagrupo ko sa reporting. Alam naman nilang wala silang mapapala sa ken. Haha. Yung project pa sa html codes. Yung ballroom dancing ba next week. Yung dula pa sa Friday.
Fonyeta, magbabakasyon na nga lang, ganito pa.
Saturday, March 1, 2008
@ 10:26 PM