Update na ule! Ang tagal kong nawala. Muntikan nang nilibing 'tong blog ko. Galing kasing bakasyon eh. Nahirapan kaming maghanap ng internet cafe dun banda sa Iba, Zambales.
Ito na yung mga happenings nung mga araw na hindi ako nakapag-post. Pero, kulang pa yan. Sa susunod na yung iba.
Tapos na yung Finals! Parang ano lang, tatlong exam lang yung tinest namin. At iyo yon:
-- Biochemistry= 52/100=76%. Yun yon eh! Kahit 76 lang, atlis nakapasa. Pangalawang beses ko na rin kasi 'tong pumasa sa lahat ng mga test na pina-exam ni Ma'am Mose. Multiple Choice yung exam kaya nagamit ko rin kahit paano yung Mini-Mini Mayni Mo. Yungibang lumabas sa test, hindi ko nareview. Tapos yung mga na-review ko naman, yun yung lumabas sa test. Pwede na yun, atlis hindi pa rin mababago na nakapasa nga ako.
-- Filipino= 82%. Hindi ko na ma-recall kung ano yung score ko. Basta, over 100 yon at 82% yung grade ko. Do the Math! Nareview ko naman yung majority nung mga lumabas sa exam kaya okei na yon, kuntento na ko sa score ko.
--Anatomy= Hindi ko pa alam. Sana pumasa. Confident naman ako sa ibang sagot ko dun eh. Yung iba lang yung medyo hinulaan ko kasi hindi ko talaga alam. Yung mga Clavicle I-XII. Ano yon? A-B-C-D-E lang ang katapat niyan.
Pirmahan ng clearance na lang ang aatupagin.
One-on-one. Kahit Finals last week, naharap ko pa ring samahan yung bestfriend kong uminom ng isang bote ng SanMig Light. Tig-isa kami. Ililibre sana ako kaso pinilit ko siyang kuhanin yung binigay kong P20.00. Nakakahiya naman kasi. LOL. Kaka-break lang nila ng girlfriend niya imbis na mailabas ko rin yung sama ng loob ko na laging chumecheber sa isip ko, eh siya lang 'tong dumada nang dumada. Nakinig na lang ako sa mga hinaing niya pero dahil may mga moment na tumatahimik siya, dun ko na lang nasisingit yung mga iniisip ko. Haha. Salamat, Pare!
Sa susunod na yung ibang post. Wala pa yung pictures eh.
Labyu. :)