<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YTagged.

Post 10 things that recently made you happy, then tag other people and spread the LOVE.

1. Bagong manicure/pedicure. Ayun, nagpalinis na ko ng mga kuko kaninang umaga kay Ate Sally habang nagrereview ng Anatomy. Sayang yung oras kasi. Ganun pa rin yung color, Platinum.

2. Yung Chicken Curry kanina. Hindi ko pa yata nababanggit na favorite kong dish yung Chicken Curry. Hindi ko inaakalang meron nun sa handaan kanina. May mushroom-effect pa kasi kaya natuwa naman ako masyado.

3. 9/10 sa quiz sa Anatomy. For the first time, isa lang yung mali ko sa quiz namin sa Anatomy nitong buong semester. Usually, 8 or 7 ang pinakamataas kong score. Nakakaasar lang dahil kung kelan last quiz na, dun pa ko nakakuha ng 9.

4. Libreng Zagu. Hindi ko alam kung anong meron kay Irene dahil panay ang panlilibre niya sa' ken nitong mga nakaraang araw. Dahil sinamahan ko siyang bumili ng oxidizing agent ba yun, nilibre niya ko ng Zagu, Creme Brulee flavor.

5. Tapos na 'yung role playing. Grabe, gusto kong maiyak kahapon dahil mega-successful yung drama namin kahapon sa Filipino. Tuwing nagpapraktis kasi, ang gulo-gulo. Pero nung actual performance na, super-galing. Puro adlib na lang, hindi na nasunod yung nasa script. Pero, galing pa rin.

Favorite line ko 'to. Ako si Purita.

*Nagluluto si Ate Pilita*
Marianne: "Ano ba yang niluluto mo?"
Purita: "A yan, Adobo yan. Mabango ba? Magaling talaga magluto 'yang si Ate."

6. Nakatulong ako sa ibang tao. Kasi kahit na gabi na yun at dalawang beses pang nawalan ng ilaw dun sa internet shop na pinapagtaypan namin, ginawa ko pa rin yung Critique Paper nung classmate ko last sem. Mabilis daw kasi ako mag-type. Haha. Yabang. Wala lang, gusto ko lang makatulong kahit na umayaw siya bilang partner ko sa sayaw nung PE.

7. Banana. No need to explain why. Joke. Kahit may nirereto na sa kanyang ibang girl, nakakatuwa pa rin kapag nakakasalubong ko siya or nagkaka-eye-to-eye contact kami.

8. Pag iniisip ko yung trip sa Zambales. Sa Thursday na! Sana naman, matuloy-tuloy yon. Can't wait to hit the beach.. pool! Bahala na kung anong meron dun sa tutulugan naming bahay.

9. Patapos na yung semester. Gusto kong maiyak. Feeling ko, graduation na. Haha. Goodluck na lang sa kuhanan ng grade. Wala sanang INC, CF tsaka F.

10. Summer na! Ang weird, dati ayoko ng summer eh. Pero pag naiisip ko yung summer class, GIMIK, inuman session tsaka bakasyon. Natutuwa ako. <3

Yun lang.

I'm tagging Kandis, Ayiene, Arli, Jessica, Ate Tric, Fei, Kei, Jojo, Leigh, Julia.

:)

Sunday, March 16, 2008 @ 1:09 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!