1. Excited na excited kong pumasok, bukas pa pala ang regular class. Sayang lang yung sinuot kong damit. Cute kung cute, first day ng klase eh. Ganun naman lagi, diba? Para maganda ang impression. Pero, okei na rin pala. Na-meet ko na rin naman yung mga magiging kaklase ko. Tsaka, yung baon syempre.
2. Pagod, pagod. Nakakapagod 'tong araw na itey. Maghapon akong nakatunganga dun sa bangko kanina, kakahintay nung inaayos nung mommy ko. Mabuti na lang, mabait yung nakatabi kong lola dun. Pinapaypayan niya ko kahit hindi kami magka-ano-ano. Ang sweet.
3. Si Janina. Hahahaha. Ba't nasingit siya rito. Kelangan ko pa bang i-explain? Ang bad ko. Sabi kasi ni mommy, panoorin ko raw sa Youtube eh. Si Janina San Miguel. Goodluck na lang sa susunod na pageant niya.
4. Paulit-ulit na kanta. Nabibingi na ko sa kantang Low, Crank That tsaka Apologize. Kahit saan, naririnig ko yan. Maging sa jeep, sa school, lalo na school! Kulang na lang gawin nilang school hymn yung isa sa tatlong yan.
5. Walang pera. Ang dami ko pa namang gustong bilihin. Pano ko makakapag-ipon niyan para sa debut ko. Joke. Gusto kong mag-trabaho! Kaasar na schedule naman kasi eh. Wala tuloy income.
6. Pagiging bitter ko. Hindi ko alam kung bakit, paano o kung hanggang kelan ako magiging bitter sa yo?
Okei. Pasukan na bukas. Sana final na.