Nag-istart na nga kanina yung klase namin kanina sa NCM100a, yung tuturuan ka nung ibang basic fundamentals ng Nursing. Kung paano yung proper handwashing, wearing of gloves/gowns, bed making, etc. Nung umaga, lima lang kaming pumasok sa grupo namin kaya medyo nairita yung mga Clinical Instructors namin. Medyo lang naman. Anggulo rin kasi minsan ng announcement sa school eh. Minsan lang din naman.
Orientation pa lang kanina, kinakabahan na ko. (Tita ko pala yung isang CI 'don, pero hindi kami close.) Lagi raw dapat naka-hairnet yung buhok, walang bangs. Dapat pudpod yung nails, naka-rubber shoes tsaka wala dapat accessories na pampalandi. Relo lang ang allowed. Ang sweet! Okei lang, keri ko yon. May light make-up naman eh.
Hapon, medyo dumami na rin yung estudyante sa block namin. Binigyan nila kami ng enough time para mag-research dun sa naka-assign na topic sa 'min. Hinintay naming magbukas yung library para lang may maipakita kaming output. Takot eh. Takot mapansin, takot magkaroon ng IR. Hindi ko na matandaan kung anong ibig sabihin ng IR. Basta pag may nagawa kang mali, isang IR.
So, ito na yon. Magseseryoso na talaga ako sa pag-aaral. Magiging suki na ko ng library kahit hindi kami bati nung librarian. Kinakabahan na ko. Next week, bed making ang ide-demo. Pag-aaralan ko na lang siya sa bahay. Natatakot akong mapuna. Scary!
Goodluck sa 'ken.
PS: Bakit si Nicole yung pine-pair kay Josef? Sana kay Robi na lang siya. Grr. Naaadik na ko sa PBB!