Sabi sa inyo eh, babalik din ako sa pagba-blog. Masyado lang ako nagiging emosyonal nung mga nakaraang araw dahil sa iba kong subjects na super nakaka-stress. Kaya sinusulit ko na yung panahon habang hindi pa ko nagsusungit dahil oo, wala lang. Masyado akong nagpapaapekto sa mga nangyayari sa school.
Tulad nung sa Physics, wala na yata akong pag-asang pumasa. Ewan, hindi ko maintindihan yung equilibrium tsaka torque. Gumagawa na naman ako ng sarili kong formula. Kung hindi ako nagkakamali, O ako sa previous quiz namin. Feel ko lang. Kahit hindi pa binabalik ni sir yung mga quizzes namin.
Skills, skills. Tapos na kaming turuan mag-Bed Making. Ang daming landi, grabe. Ang daming parang tupi-tupi ng sapin. Oo lang ako ng oo dun sa CI namin. Eh siya na ngang gumagawa ng demo ko, taga-oo lang ako. Opo pala. Next week, pagkuha naman ng Vital Signs. Yan na yung sa BP, thermometer, pulse-rate ek-ek. So, goodluck. Kelangan pa raw punasan yung kili-kili nung partner mo bago ilagay yung thermometer. Natatawa ako, okei.
Next week, reporting naman. Midterm na rin pala namin. So, baka matagalan na naman bago ako mag-post ulit. At tsaka, hindi na naman kumpleto araw ko. Hindi ko siya nakita! Absent yata.
Blog-hop muna ako.