<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YIt harts!

Nakaka-depress! Parang ang lungkot-lungkot ng araw ko ngayon. Bukod sa natalo yung papable kong si Archie, may isa pang bagay na sobrang nagpa-pangit ng araw ko. Ayoko mang pag-usapan pero dito ko na lang ibubuhos yung sama ng loob ko.

Saan pa nga ba ako magrereklamo kundi sa Physics. Buong summer ko yata, yan lang yung tanging bagay na sobrang nirereklamo ko. Finals na namin kanina at sobrang EWAN! Nanakit na naman yung leeg ko. Parang
mga bangkay na namin kanina sa mga upuan namin dahil halos lahat, nakayuko. Halos hindi na gumalaw, kahit mag-unat-unat man lang. Sobrang nagpapasalamat nga ako sa katabi ko dahil kahit ganon, nakuha niya pa ring magpatawa. Actually, hindi naman talaga siya nagpatawa. Natawa lang ako dahil sa mukha niya. Nung nagtatanong ako kung anong unit nung Tension, yung mukha niyang super angelic dati, kanina parang problemada. Hahaha. Wala lang. Ang korni. Ayon, letche talaga. Letche! Wala na talaga. Mag-remedial na kung magre-remedial. Umulit na kung umulit. Basta, wala akong kasalanan kung bobey talaga ako sa ganyan. Lumaki akong inaayawan yung pagso-solve ng kung ano-ano, kaya bahala na. Bobey na kung bobey!

After mag-exam, super-haggard. Hindi ko alam kung ano yung masakit sa ken. Yung ulo ko, yung kamay ko ba na kakasulat ng kung ano-ano sa scratch paper, yung likod ko o yung mga mata ko. Mga matang itsurang bagong-gising. Tapos yung mga kaklase ko, kahit hindi sila nagrereklamo. Alam kong ganun din nararamdaman nila.

Sir, parang awa niyo na. Kung nababasa niyo naman to, ipasa niyo naman ako. Hahaha. Chika!

Tapos, si Archuleta pa pala. Natalo siya ni Cook. Bakit ganon? Siya naman yung nanalo sa tatlong rounds dun sa performance nila kahapon ha. Oh well, ganun talaga. Mahal ko pa rin si Cook. Sana may i-release siyang album. Gusto ko pa rin siya makita sa TV. Sana magkaron siya ng music video. Sana sumikat siya. Sana mas sumikat siya lalo kay Cook! T
oink. Actually, okei lang din naman si Cook. Kaso mas type ko si Papa Archie! <3


Winner ka pa rin sa ken.
Thursday, May 22, 2008 @ 5:45 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!