<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6742183795360492605?origin\x3dhttps://kshie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
YMidterm-711-Tag.

Tapos na Midterm. Wee! Nutrition was easy. Yabang. Eh kasi naman gumising ako kaninang madaling-araw para basahin ulit yung mga handouts eh. Effective daw kasi yun. Pero, eto. Nagka-stiff-neck na ko sa Physics kanina. Hindi na ko gumalaw lalo na yung leeg ko. Nakuha ko naman yung ibang formula pero hindi ko alam kung anong ilalagay kong units so, goodluck na lang. Nawa'y hindi ako mag-take ng Remedial Exam sa katapusan ng term.

Uwian, nag-711 muna kaming magkaklase. Pero, hindi ko kaklase yung isa. Close friend lang. Halos tatlong oras kaming nakaupo don kaya naka-encounter kami tatlong palaboy na bata sa daan.

Bata # 1: Danica, 12 years old. Actually, nagbebenta lang siya ng balot sa men pero mukhang nahulog agad yung loob niya sa min kaya nakiupo siya sa table namin. Unting chikahan, interview kung bakit nandito siya sa Olongapo. Ayaw niya raw sa Manila kasi mahirap makakuha ng trabaho at tsaka may sunog-sunog daw. Sige pala.

Kelangan niya na raw umuwi bago mag-8 dahil manonood pa siya ng Dyesebel. Kapuso, ineng. Sorry, kapamilya kami. Joke lang yung sinasabi nilang mas mataas yung rating nung palabas na yon kesa sa PBB tsaka Lobo. At dahil nagla-lie siya, kinuhanan na lang siya ng BP nung isa naming kasama. 80/60. Hahahaha.

Bata # 2: Magkapatid. Hindi namin nakuha mga pangalan nila. Basta kinuha nung mas bata yung Gulp ko eh ang unti-unti na non. Tinanong namin kung nasan yung magulang nila, nasa Manila raw. Sige pala. Parang halos lahat yata ng mga bata ritong kapos-palad, nasa Manila? Hindi na namin sila nakakwentuhan ng matagal. Pinaalis na sila nung isang nagtatrabaho dun sa 711.

After kumain-slash-chikahan, window-shopping. Hanggang sa inulan kami. Kaya eto, sinisipon na ko. Haha. OA.

Anyways,

Ngayon ko lang napagtanto na pareho pala ng tag yung binigay sa ken nila Ashain tsaka ni Sam. (Magkaiba lang yung tanong nila sa # 1) Sa susunod ko na lang sasagutan yung ibang tags. Mahina ang kalaban. Pero, salamat. May kinahihinatnan tuloy yung mga pinopost ko.

1. Who is your favorite fashion designer?
Designer ng mga damit sa tiangge, yung bonggang tiangge.

*Who is your fashion icon?
Wala. Actually, nakakakuha lang ako ng ideas sa magazine tsaka sa mga taong nakakasalubong ko na cute pumorma. Nananamit ako depende sa mood.

2. What color do you like most?
Royal Blue at tsaka Pink.

3. Have you ever shoplifted?
Gusto mong inupakan kita. Hindi malikot mga kamay ko.

4. What is your greatest fear?
Pagkawala ng isa sa mahal ko sa buhay.

5. Which part of you that you hate the most?
Lahat. Pero, joke lang.

6. When you encounter a sad moment, what do you do?
Think of happy moments. :)

7. What are you afraid to lose the most?
Who? Lahat ng mahal ko sa buhay.

8. If you win $1 million, what would you do?
Teka, magshoshopping muna ako. Papagawa ako ng bank account sa nanay ko. Bibilhan ko sila ng mas malaking bahay tsaka sasakyan para sa tatay ko. Tapos, bibili ng maganda-gandang digicam, cellphone at tsaka laptop.

9. What do you love the most last year (2007)?
Simula ng college life. Ang daming na-experience, ang daming bagong friends.

10. List out 3 good points of the person who tagged you:
Ashain & Sam, pareho silang cute.

11. How do you cope with boredom?
Parang ganito yung ginagawa ko o kaya nag-a-iPod.

12. Till now, what is the moment that you regret the most?
Hindi ko alam. Wala siguro.

13. Which type of person do you hate the most?
Gangster tsaka mga ilusyonadang tulad ko. Hahahaha. Pakibasa na lang dun sa profile ko.

14. What is your ambition?
Maging writer. Pero, BSN kinukuha ko. Galing noh?

15. If you had one wish, what would you wish for?
Sana po matupad yung winish ko. :)

16. What would you prefer? a brother or a sister?
Sister! May dalawang kuya na ko eh. Ako lang girlalu, boring.

17. What book do you like the most?
Summit Books! Enjoy basahin.

18. How would you describe your life in three words?
Parang joke lang.

19. What would you prefer the most, blogging or cuddling?
Blogging.

20. What name do you want for a baby?
Hindi ko pa alam. Ang daming pumapasok sa isip ko pero bahala na kung anong mapagtripan ko pag umabot na ko sa ganyan.

Kahit sinong blogger, pwedeng kopyahin 'to tsaka sagutan. :)
Friday, May 2, 2008 @ 8:24 PM




Name's Casey; will turn 20teen soon. Loves to paint, art, music, caramel frappe, good reads and the color pink. A girl who dreams of travelling around the world, and marrying the love of her life, Allan Hyde someday.

Facebook | Tumblr | Twitter


Adrian
Althea
AnneXtiane
Apple
Ate Sabrina
Ate Yesha
Ayiene
Candice
Dee
Luki
Marga
Missy
Patricia
Pearl
Peppermintkiss
Windee
XTY





1 2 3 4



Read the Printed Word!