Ang kapal ng mukha ko kanina.
Kelangan kong ikwento 'to dahil napaka-memorable nitong araw na to. Hindi ko akalain! Klase namin sa Health Care. Isa ako sa mga early birds kaya todo reserve ako ng mga upuan para sa mga kachokaran ko. Pinili ko pa yung sa likod para hindi ako mapansin. Ugali kasi ng instructor naming lumakad sa gitna tapos kung sino makita niya, tatawagin niya. HAHA. Kanya-kanyang style.
Biglang tumabi yung KEME kong kaklase na si Marky. Syempre , kapag keme kasama mo, hindi mo mapigilang tumawa. At dahil tawa ako nang tawa, napansin ako. Hindi naman talaga ako madaldal eh. Bungisngis lang.
SIR: (Tinuro ako) Dito ka. (Sabay turo sa upuan, sa harapan)
AKO: Siiiiir? (Maiyak-iyak pero nakangiti pa rin)
History repeats itself nga. Dalawang beses na kong pinaupo sa harapan dahil maingay ako. MAINGAY AKO. HAHA. Wala tuloy akong katabi don. Sayang lang yung mga reserve-reserve kong upuan. Pero pagkatapos naman ng ilang minuto, may pinatabi na sa ken. Maingay din.
Ito na ang highlight.
Kumanta ako sa harapan ng klase. PARANG HELLO? Hindi ko alam kung anong nakain o nainom ko kung bakit ang kapal ng mukha kong magrepresentang kumanta sa harapan. Kalandian ni Sir yun eh, parang laro. Bawat grupo, may representative. Magbibigay siya ng title ng kanta tapos kakantahin mo. Always Be My Baby ang drama. Sayang kasi ang 2 points eh. Nanginginig pa yung kamay ko habang kumakanta. Parang naiiyak na ewan. Siguro, kung nakikita ko sarili ko, tawa na ko nang tawa. Matagal-tagal ko nang hindi naipapamahagi sa iba yung sintunado kong boses. Pero atlis, may 2 points.
Hindi ko na nakanta yung pangalawang kanta. Listen ni Beyonce. Kamusta naman, di ko saulo at di ko abot ang tono. HAHA. Baka pumiyok ako don.
May next batch din na mga kumanta. Puro lalaki naman. Nice Rizal at J. Kakilig. :)