Yahh.
# 1 si chiz escudero! yun, mabuti na yon kesa naman si victor wood 'yung manguna. kung sakaling mangyari yon, ewan ko na lang. masaya naman ako dahil pumasok sa 12 yung lahat ng mga gusto kong manalo. si zubiri, unting-unti na lang. sa pananaw kasi ng pinakakamahal kong ina, mas masisipag daw 'yung mga nasa wala pa sa "matandang" edad.

tulad ng inaasahan, hindi talaga mawawala yung dayaan/aksidente tuwing eleskyon. maraming nabaril, may nasagasaan pero ito na raw 'yung pinakatahimik na eleksyon sa kasaysayan. oo na lang.

pero, hindi ko inaasahan na makikita ko ang legendary mongolian barbeque na si mr. shuli kanina sa balita. para sa kaalaman ng lahat, siya yung dating host, [host nga ba?] ng takeshi's castle sa IBC 13 nung mga bata-bata pa tayo. hinding-hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dahilan kung bakit lumaki akong may takot sa mga may kakaibang __. ang hirap iekspleyn. wala kasi akong mahanap na picture ña dito sa internet. siya yung laging naka-pula na may malaking headgear sa ulo.
salamat sa kapatid ko. dahil sa kanya, nalaman kong may palabas na prison break. napaka-gandang palabas, puro kriminal, mga preso, lahat ng mga maiisip mong pwedeng i-konek dito. episode 7 pa lang ako, hanggang 22 pa pala ang season 1. so..
Labels: election, tv shows
Monday, May 14, 2007
@ 9:24 PM