Ynamimiss ko to.
matapos ang pagiging adik sa prison break, may bago nang kapalit. no, the best pa rin para sa kin ang prison break. hindi ako sanay nang hindi nanonood. kelangan ko na ang season 3! seryoso ako. namimiss ko na ang pagtulog ng alas-tres ng umaga kakanood non. ang midnight snacks, ang mga walang patutunguhang kwento ko tungkol sa "kasal" namin ni michael scofield. hindi nga ba talaga nagsasawa yung kapatid ko kakarinig non? t'wing nagkwekwento naman ako, natatawa siya e. masaya si kuya para sa kin.
anyways, heroes.. may mga powers-powers & all. hindi ko lang lubos maisip kung bakit pare-pareho yung paraan ng pagpatay dun sa mga inosenteng tao. torn apart. imagine-nin ño na lang kung paano. isa lang sigurado ko. imposible nang mabuhay pa sila.
yan, nakakatuwa yung hapon. ang saya ña pag nakokontrol ña yung oras, parang nanalo sa lotto. si niki, ano bang powers ña? eh yung sarili ña na mismo yung kalaban ña. at bakit siya yung nasa gitna?
ohh. nga pala, last episode na yata yung kanina sa let's go. ayoko nung ipapalit, gokada go ba yon? ayoko talaga kay kim at gerald, nakakasawa na. no offense sa mga fans, ayoko lang talaga sa kanila. parang binanggit ko na to sa isa kong post? oh well, good thing nandun pa rin si junniper tsaka si bob. at yun pa rin ang mga pangalan nila. ano naman na kayang nangyari dun sa ibang cast?
mamimiss ko to:
KUTO LOVETEAM? Ü
rashid: junniper.
junniper: oh, bakit?
rashid: para kang kuto.
junniper: kuto, bakit?
rashid: kasi i can't get you out of my head.
tawa ako nang tawa kanina nung marinig/mapanood ko yan. hanep ang punch line ni rashid, ang korni pero nakakatuwa.


Labels: tv shows
Saturday, May 26, 2007
@ 9:43 PM
Yahh.
# 1 si chiz escudero! yun, mabuti na yon kesa naman si victor wood 'yung manguna. kung sakaling mangyari yon, ewan ko na lang. masaya naman ako dahil pumasok sa 12 yung lahat ng mga gusto kong manalo. si zubiri, unting-unti na lang. sa pananaw kasi ng pinakakamahal kong ina, mas masisipag daw 'yung mga nasa wala pa sa "matandang" edad.

tulad ng inaasahan, hindi talaga mawawala yung dayaan/aksidente tuwing eleskyon. maraming nabaril, may nasagasaan pero ito na raw 'yung pinakatahimik na eleksyon sa kasaysayan. oo na lang.

pero, hindi ko inaasahan na makikita ko ang legendary mongolian barbeque na si mr. shuli kanina sa balita. para sa kaalaman ng lahat, siya yung dating host, [host nga ba?] ng takeshi's castle sa IBC 13 nung mga bata-bata pa tayo. hinding-hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dahilan kung bakit lumaki akong may takot sa mga may kakaibang __. ang hirap iekspleyn. wala kasi akong mahanap na picture ña dito sa internet. siya yung laging naka-pula na may malaking headgear sa ulo.
salamat sa kapatid ko. dahil sa kanya, nalaman kong may palabas na prison break. napaka-gandang palabas, puro kriminal, mga preso, lahat ng mga maiisip mong pwedeng i-konek dito. episode 7 pa lang ako, hanggang 22 pa pala ang season 1. so..
Labels: election, tv shows
Monday, May 14, 2007
@ 9:24 PM
Ynaiwan ako.
ehh. naiinggit ako sa mga kaklase ko, may outing na naman. hindi na naman ako kasama. walang pera, hindi pa nakakapagpaalam & all. pero, sinubukan ko pa ring pumunta sa meeting place nila para makita lang sila, yung mga yon. nakakamiss ang justice, ang highschool life.
k. ang drama.
dahil hindi ako nakasama, nanuod na lang ako ng let's go. tawa na naman ako nang tawa. ang engot ni bob, haha. bakit nandon si gerald anderson? at biglang nawala sila mike at norman. hindi masaya pag wala sila. ayokong nandun sila gerald at kim. bakit sila pa yung pumalit? sorry sa mga fans nila. bakit hindi na lang si aj perez o kaya si enchong dee? haha.

dahil next ang abt ur luv sa let's go, pinanood ko na rin. once a week lang naman pinapalabas e, at nandun si AJ. haha. bakit hindi sila ni nelle yung highlight nung episode ngayon? nagliligawan na sila diba? nakakabitin yata.

nakita ko lang tong picture na 'to sa ka-group ko sa friendster sa It started with a kiss. sweet noh?


Labels: outing, tv shows
Saturday, May 12, 2007
@ 9:40 PM